Mingming (>^.^<)
Hindi tumitigil..

Unti-unti pumapatak.. parang walang katapusan
Patuloy na binabasag ang katahimikan sa bawat pagdampi sa sahig
Paghingang animo’y matutuldukan anumang segundo
Hanggang kailan matatapos?
Sambit ng isang pusong ginagapang ng kamatayan
Sasairin ng hiwa ng kahapon ang nilalaman ng pagkatao
Kapalit ng maling pagsuyong tumangay sa katinuan

Hindi na magtatagal
Mapapawi ang lahat ng hapding nangingibabaw sa dibdib
Titigil ang pag-inog ng mundong sinakop ng bangungot at kasakiman
Makakawala na sa alaala ng nakaraang magpa-hanggang ngayon
Hindi lumilisan at lumalakad palayo

Pagpanaw nito,
Itatangan ko ang gunitang ipinitak mo
Tulad ng punyal
na di na aahon sa pagkabaon
binabalot ng dugong puspos ng aking kamalayan at buhay
nakatanim malapit sa lugar

kung saan ka nakakubli
kung saan kita pinatuloy
kung saan pilit kitang itatago
kung saan
nararamdaman kita ng lubos.


Labels: | edit post
0 Responses

Post a Comment