Mingming (>^.^<)
masama ako.. actually mali, napakasama ko pala..
ilang linggo ko nang sinusubukan umalis sa sitwasyon ko pero hindi ko alam bakit hindi ko siya maiwan..

bukod sa napakasama kong tao, sobrang tanga ko pa..
kasi pumapayag ako na back-up lang, second rate, next in line, pantapal, panakip butas, lahat siguro ng pedeng itawag sa isang taong hindi pedeng maging una sa listahan, yun ako.

ang malala, nagbubulag-bulagan ako sa nangyayari..
ibinaba ko yung sarili ko para manatili ako sa tabi niya.
na-realize ko sobrang martyr ko pala.. hindi dahil naghihintay ako sa wala..
kasi kahit ganito ang sitwasyon ko, gusto kong masaya pa rin silang dalawa..

ang sakit pala kapag pinapipili mo yung isang tao, tapos iba pa rin yung pipiliin niya..
kasi hindi ka niya kayang mahalin, kasi meron siya, kasi may pangako siya.. kasi siya yung mahal niya.. kasi siya yung nauna.. putek, sino ba ang gustong mahuli sa pagdating?!

siguro kasumpa-sumpa nga ako, pero sino ba ang nasasaktan simula't sapul hanggang ngayon?
nasa kanya parin lahat..
parang lupa lang yan, nakikitirik man ako, wala naman sa akin ang titulo..
sino ang mapapalayas? sino ang makikinabang sa naipundar mo na? hindi ba aangkinin din naman lahat ng kung sino ang legal?
kaya kahit ipaglaban ko siya, sa una pa lang talunan na ako..
hindi ko alam na ganito pala kahirap maging isa sa mga dakilang 2nd party..
parang araw-araw mong iisipin kung paano magiging permanente ang bagay na alam mong panandalian lang at hindi mo maaaring hawakan nang pangmatagalan..

tapos gusto ka pa rin niya na nandyan ka lang, pinapanood ka niyang masaktan hanggang maubos lahat ng pagkatao mo.. hanggang masaid ka at wala nang matira sa'yo kahit kaunting respeto sa sarili mo..
pag nakita ka niyang nag-iisa, ni hindi niya maisip na lapitan ka..
pag nagtext ka dahil nag-aalala ka, balewala pala sa kanya..

tang-ina talaga.. lahat yata ng paraan para ako yung piliin niya nagawa ko na..
pero parang hindi niya nakita yung lahat-lahat ng bumubuo sa akin na isinantabi ko lang..
yung sakit na nailalarawan ko dito, wala pa sa kalahati ng totoong nararamdaman ko.

kaso ang liit ng mundo.. kahit maghiwalay kami, bumabalik pa rin kami sa isa't isa..
pero ano ba talaga ako para sa kanya? ang tagal ko nang gustong itanong..
takot akong pumasok sa relasyon, pero gusto ko itong nararamdaman ko..
kahit sobrang sakit na, pero hanggang sa huli wagas..
tang-inang pagmamahal 'yan..
Mingming (>^.^<)
"If pain must come, may it come quickly..
Because I have a life to live, and I need to live it in the best way possible.
If he has to make a choice, may he make it now.
Then I will either wait for him or forget him.
Waiting is painful. Forgetting is painful. But not knowing which to do is the worst kind of suffering."


The past few days were much of a period of making the right choice... for myself and as well for him.
I can't even elucidate the confusion inundating in my mind.
How to end up with a right decision without getting hurt so much? without leaving a painful mark for the rest of my life?
I'm trying to walk in the path of morality but my feelings keep my feet running towards him.
I tried to distant myself from him and control my emotions.. But i just couldn't exist now without him by my side.
It this will fail, it will be my biggest tragedy in love. And I don't know if I can stand again afterwards.


God knows I do love him so much..
And whatever might happen, i will never love another man with more than the love he felt from me.

Mingming (>^.^<)
"Wala kang karapatang pumasok sa isang relasyon.."
hindi ko maintindihan kung bakit sobrang naapektuhan ako nang sabihan ako nito..
simula kagabi hanggang sa mga oras na ito, paulit-ulit sa utak ko yung linya niya...


hindi naman ako galit, pero nasaktan ako nang sobra...
parang ang dating sa akin, wala akong karapatang magmahal kasi makakasakit lang ako ng tao.
may punto naman siya kaso masakit lang marinig mula sa isang tao na pinagkwekwentuhan ko ng mga naranasan ko na ganun yung naging tingin niya..
sa ngayon, masasabi kong tama siya..
pero patutunayan ko na magiging mali siya balang araw.