Mingming (>^.^<)
"Wala kang karapatang pumasok sa isang relasyon.."
hindi ko maintindihan kung bakit sobrang naapektuhan ako nang sabihan ako nito..
simula kagabi hanggang sa mga oras na ito, paulit-ulit sa utak ko yung linya niya...


hindi naman ako galit, pero nasaktan ako nang sobra...
parang ang dating sa akin, wala akong karapatang magmahal kasi makakasakit lang ako ng tao.
may punto naman siya kaso masakit lang marinig mula sa isang tao na pinagkwekwentuhan ko ng mga naranasan ko na ganun yung naging tingin niya..
sa ngayon, masasabi kong tama siya..
pero patutunayan ko na magiging mali siya balang araw.
Mingming (>^.^<)
Lalakad pasulong..
pero mamaya uurong..
Titingin kapag ika'y malayo..
pero nakayuko kapag nakasalubong..


Iniisip kung may nagbago..
subalit damdamin ko'y sadyang magulo.
Hindi malaman kung lilingon,
sa direksyon na itinuturo ng puso.


Nagpapanggap na masaya
kapag may kasamang iba.. 
Pero pag nakita ka na.. 
Bumabalik pa rin sa'yo talaga.


Ngunit ang daan ko ay hindi papalapit sa'yo.
Patuloy na lumalakad upang makalayo. 
Gustuhin ko mang huminto o subukang lumiko..
pero 'di ko na kaya, hanggang dito na lang ako.