Mingming (>^.^<)
hindi mapukaw ng antok ang aking kaisipan.. kahit pagod na sa buong araw na pag-iisip at pag-aalaala ng mga bagay na hindi na dapat binibigyan ng kahulugan at importansya..

lagi na lamang ganito ang mga tagpo.. gustung-gusto ko nang ipikit ang aking mga mata upang muling masilayan ang kabilang mundo, kung saan lahat ay panatag at posible.. pero maraming bumabalakid..
mga alaala ng nakaraan.. ang masama, ito'y mga alaalang dapat naibaon na sa limot..
uumpisahan ko na bang magbilang ng tupa para dalawin na ako ng antok?

marahil pinipigilan ng isipan ko ang makatulog dahil "unconsciously" may nais itong iparating..
subalit tama na.. itigil na ang kahibangan.. walang saysay kung bibigyan ng pansin ang mga walang katuturang bagay na ito..
nais ko nang magpahinga.. pero di ko alam kung paano..
gusto ko nang mahimbing sa aking higaan..

"paano ba ako matutulog?", isang tanong na napakahirap sagutin
dahil alam ko pag nahimbing ako..
makakalimutan ko din kung paano nangyari..

paano nga ba nalilimutan ng isang tao kung paano niya ginawa ang isang bagay?
inaantok na ako.. pag nakatulog ako, sasabihin ko kung paano..
basta gisingin mo ako..
Labels: | edit post
0 Responses

Post a Comment