Mingming (>^.^<)
Hindi ako sanay ng ganito na walang ginagawa..
nasa bahay lang at nagpapakaburo sa napakaraming ideya na pumapasok sa utak ko..

Ang dami kong gustong gawin..
gusto kong tumugtog ng piano, gitara, violin, drums at harp..
kanina, naggitara ako habang kumakanta kaso napagod din ako..
namiss ko yung piano ko si Dylan.. at yung banda ko sa Church.
namiss kong kumanta kasama sila..



hindi ako yung tipo ng babae na mahilig sa sports pero gusto kong matuto ng anumang laro.
Paglalaro lang ng Arnis ang kaya ko.. bukod doon, wala na..
Hindi ako pede mag-volleyball kasi sensitibo raw dugo at balat ko pag nahahampas.
hindi naman ako marunong magbasketball.. pag agawan kasi ng bola, nananabunot ako ng buhok ng kalaban..
Kaya bumili ako ng raketa at shuttle cock kahapon, maglalaro ako ng badminton simula ngayon.. 

courtesy: Carla Bauto
Gusto kong mag-swimming..
Kapag kasi nakalutang ako sa tubig, pakiramdam ko lumilipad ako sa kakaibang mundo.
Kaya kong tumagal ng ilang oras na naka-float sa kahit anong pwesto..
Hindi ako takot malunod kasi alam ko lulutang pa rin ako.






Gusto kong magpinta ulit..
hawakan ang mga brush at madumihan ng mga kulay at tinta ang kamay at damit ko.
masarap kapag yung ideya sa isipan mo, nakikita mo sa harap mo..
hindi na lang siya imahinasyon, kundi totoo..





Gusto kong kumuha ulit ng mga litrato ng mga tao at kung anu-anong bagay na nakikita ko..
Ibang dimensyon ang nasisilip sa lente ng kamera..
sa isang iglap, ang bagay na walang halaga sa karamihan, nagiging sentro.. nagiging atraksyon.

courtesy: Nikko Qiuogue
Isa sa pinakahihintay ko ay ang mag-volunteer sa isang child center..
Gusto ko talaga magturo sa mga bata ng artwork o ng kanta..
Kaya natutuwa ako na nakabalik ako sa pag-aaral..
dahil isa sa "requirements" ng isang subject ko ay magsilbi sa mga batang inabuso, iniwan at pinagkaitan ng magandang kinabukasan.. 

Ilusyonada ako.. ang dami-dami kong gustong gawin..
pero parang ang ikli ng oras.. ng buhay.
sa ngayon, masaya ako dahil may isang bagay akong nagagawa..
ang magsulat ng mga bagay na naiisip ko..
 pero hindi ko mabigkas. 
0 Responses

Post a Comment