Mingming (>^.^<)
Hindi ako sanay ng ganito na walang ginagawa..
nasa bahay lang at nagpapakaburo sa napakaraming ideya na pumapasok sa utak ko..

Ang dami kong gustong gawin..
gusto kong tumugtog ng piano, gitara, violin, drums at harp..
kanina, naggitara ako habang kumakanta kaso napagod din ako..
namiss ko yung piano ko si Dylan.. at yung banda ko sa Church.
namiss kong kumanta kasama sila..



hindi ako yung tipo ng babae na mahilig sa sports pero gusto kong matuto ng anumang laro.
Paglalaro lang ng Arnis ang kaya ko.. bukod doon, wala na..
Hindi ako pede mag-volleyball kasi sensitibo raw dugo at balat ko pag nahahampas.
hindi naman ako marunong magbasketball.. pag agawan kasi ng bola, nananabunot ako ng buhok ng kalaban..
Kaya bumili ako ng raketa at shuttle cock kahapon, maglalaro ako ng badminton simula ngayon.. 

courtesy: Carla Bauto
Gusto kong mag-swimming..
Kapag kasi nakalutang ako sa tubig, pakiramdam ko lumilipad ako sa kakaibang mundo.
Kaya kong tumagal ng ilang oras na naka-float sa kahit anong pwesto..
Hindi ako takot malunod kasi alam ko lulutang pa rin ako.






Gusto kong magpinta ulit..
hawakan ang mga brush at madumihan ng mga kulay at tinta ang kamay at damit ko.
masarap kapag yung ideya sa isipan mo, nakikita mo sa harap mo..
hindi na lang siya imahinasyon, kundi totoo..





Gusto kong kumuha ulit ng mga litrato ng mga tao at kung anu-anong bagay na nakikita ko..
Ibang dimensyon ang nasisilip sa lente ng kamera..
sa isang iglap, ang bagay na walang halaga sa karamihan, nagiging sentro.. nagiging atraksyon.

courtesy: Nikko Qiuogue
Isa sa pinakahihintay ko ay ang mag-volunteer sa isang child center..
Gusto ko talaga magturo sa mga bata ng artwork o ng kanta..
Kaya natutuwa ako na nakabalik ako sa pag-aaral..
dahil isa sa "requirements" ng isang subject ko ay magsilbi sa mga batang inabuso, iniwan at pinagkaitan ng magandang kinabukasan.. 

Ilusyonada ako.. ang dami-dami kong gustong gawin..
pero parang ang ikli ng oras.. ng buhay.
sa ngayon, masaya ako dahil may isang bagay akong nagagawa..
ang magsulat ng mga bagay na naiisip ko..
 pero hindi ko mabigkas. 
Mingming (>^.^<)
Sa dami ng nais kong sabihin sa'yo kagabi..
para akong nautal at wala nang nasabi..

sa ikalawang pagkakataon, nagdalawang isip na naman ako..
nagsinungaling ako sa sarili ko sa tunay kong nararamdaman..
pinaniwala ko na naman ikaw na parang wala lang ang lahat.. ng nakalipas sa ating dalawa.


mahirap magkunwari.. 
pero ang totoo..
ikaw pa rin hanggang ngayon.
Mingming (>^.^<)
Yesterday, I went to UP Diliman for my enrollment.. The moment I dropped by the cashier, the line of those who would also pay their enrollment fees was extremely long.. And I had no choice but to fall in line.. 

The atmosphere was hot and humid.. not to mention the occasional breeze brushing our sweating skin.. It took me more than a hour before finally getting inside the cashier room-- the aircon room..

As I was entering the room, an old woman hurriedly overtook me in the line and got my seat.. For a moment, I was still and surprised with the way she acted.. Then I laughed to myself. After few minutes, I finally got inside and sat beside the old woman.

There were so many thoughts boggling me while sitting beside her.. Should I confront her? Should I say "Manang, may pila po.. Ang dami pong naghihintay sa labas. Mahigit isang oras po kami naghintay.. Bawal sumingit." But my mouth was shut and I couldn't utter anything.

Then suddenly, I began thinking about similar scenarios in my life.. I started questioning myself, "Catha, ganyan ka na lang ba palagi? Hindi ka na lang iimik kahit masama ang loob mo? kahit nasasaktan ka na? Manhid ka ba? Hindi ka ba magtatanong kung bakit nila ginagawa iyon sa'yo? Kikimkimin mo na lang ba lahat?"

I began having teary eyes while blankly staring at the cashier window.. contemplating on my recently broken relationship.. I answered to myself, "You never asked why.. because he didn't want to answer.. But It still hurts.."

It took me five years waiting for someone who will make me whole again.. Then, he came along unexpectedly. It was one of the best moments of my life-- to finally trust again. I didn't believe that it would happen to me for the second time. 
But with just one snap of fingers.. he's gone. 

If i have to be honest with myself, no one can take the place of him for a long time.

Sana masabi ko rin, "Hey, may pila.. Ang daming naghihintay sa ganito.. Mahigit limang taon akong naghintay.. Tapos, ganun lang pala.."