masama ako.. actually mali, napakasama ko pala..
ilang linggo ko nang sinusubukan umalis sa sitwasyon ko pero hindi ko alam bakit hindi ko siya maiwan..
bukod sa napakasama kong tao, sobrang tanga ko pa..
kasi pumapayag ako na back-up lang, second rate, next in line, pantapal, panakip butas, lahat siguro ng pedeng itawag sa isang taong hindi pedeng maging una sa listahan, yun ako.
ang malala, nagbubulag-bulagan ako sa nangyayari..
ibinaba ko yung sarili ko para manatili ako sa tabi niya.
na-realize ko sobrang martyr ko pala.. hindi dahil naghihintay ako sa wala..
kasi kahit ganito ang sitwasyon ko, gusto kong masaya pa rin silang dalawa..
ang sakit pala kapag pinapipili mo yung isang tao, tapos iba pa rin yung pipiliin niya..
kasi hindi ka niya kayang mahalin, kasi meron siya, kasi may pangako siya.. kasi siya yung mahal niya.. kasi siya yung nauna.. putek, sino ba ang gustong mahuli sa pagdating?!
siguro kasumpa-sumpa nga ako, pero sino ba ang nasasaktan simula't sapul hanggang ngayon?
nasa kanya parin lahat..
parang lupa lang yan, nakikitirik man ako, wala naman sa akin ang titulo..
sino ang mapapalayas? sino ang makikinabang sa naipundar mo na? hindi ba aangkinin din naman lahat ng kung sino ang legal?
kaya kahit ipaglaban ko siya, sa una pa lang talunan na ako..
hindi ko alam na ganito pala kahirap maging isa sa mga dakilang 2nd party..
parang araw-araw mong iisipin kung paano magiging permanente ang bagay na alam mong panandalian lang at hindi mo maaaring hawakan nang pangmatagalan..
tapos gusto ka pa rin niya na nandyan ka lang, pinapanood ka niyang masaktan hanggang maubos lahat ng pagkatao mo.. hanggang masaid ka at wala nang matira sa'yo kahit kaunting respeto sa sarili mo..
pag nakita ka niyang nag-iisa, ni hindi niya maisip na lapitan ka..
pag nagtext ka dahil nag-aalala ka, balewala pala sa kanya..
tang-ina talaga.. lahat yata ng paraan para ako yung piliin niya nagawa ko na..
pero parang hindi niya nakita yung lahat-lahat ng bumubuo sa akin na isinantabi ko lang..
yung sakit na nailalarawan ko dito, wala pa sa kalahati ng totoong nararamdaman ko.
kaso ang liit ng mundo.. kahit maghiwalay kami, bumabalik pa rin kami sa isa't isa..
pero ano ba talaga ako para sa kanya? ang tagal ko nang gustong itanong..
takot akong pumasok sa relasyon, pero gusto ko itong nararamdaman ko..
kahit sobrang sakit na, pero hanggang sa huli wagas..
tang-inang pagmamahal 'yan..