Ang shades ay ginagamit kapag maaraw dahil nasisilaw tayo.. Pede ring pangporma, para magmukhang sosyal..
Ang iba nagsususot ng shades para di sila makilala ng mga tao..
Ang ilan naman para ipakita na DG o Rayban ang brand ng suot nila..
May iba din naman na nagse-shades para di malaman ng iba na puyat , walang tulog, malaki ang eyebag, pugto ang mata dahil sa pag-iyak o kaya naman umiiyak na pala..
Malaking bagay din pala ang pagsusuot ng shades, naikukubli nito kung anong ayaw ipakita ng mga mata..
Naisip ko agad pagdating ng dorm na gawin ang unang blog ngayong taon kahit nilalagnat.
Masasabi ko na malungkot ako habang isinulat ito pero hindi nito maisasalamin kung gaano kabigat ang nararamdaman ko. Ito ang blog na di ko pinag-isipan. Hahayaan ko na lang. Free association kumbaga.
Hindi ako depressed. Naiintindihan ko na ang pag-aaral ko ng MA Psychology, tinatanggalan nito ako ng karapatan na maging depressed. Dapat lagi akong ok. Wala akong karapatang sabihin na “di ko na kaya” dahil sabi ng aking prof, it's like saying, “I am weak”.
Tama nga siguro na may nakapagsabi sa akin na isa akong jugdmental na tao at hindi ako consistent.
Madaming pinanggagalingan ang nararamdaman ko. Pero di ko pede ikwento kasi gusto kong sarilinin na lang.
Sana natatanggal ng pagkain ng ice cream ang lahat kahit panandalian lang. O kaya ng chocolates.
Kasalanan ko ang lahat.. Wala akong karapatan..
at sana may manlibre sa akin ng ice cream.. hindi ako magku-kwento pero sasabihin ko sa kanya na,
“Buti na lang naka-shades ako kanina sa bus.”

Post a Comment