Di na binabalikan ang lahat ng nakalipas na,
ang mga bagay na niluma na ng panahon,
ang mga pangakong pinarupok ng mga taon,
ang mga alaalang unti-unting nababaon sa limot..
Di na dapat nililingon ang mga taong napako sa kahapon,
ang mga dating sinusulyapan at hinihintay
ang mga di karapat-dapat na nakatanggap ng pagpapahalaga
ang mga nagdulot ng maling pag-asa at kabiguan
ang mga manhid at walang pakiramdam
ang mga hindi marunong humingi ng tawad sa mga nasaktan nila
Bakit pagbubuksan ang isang pusong ikinadena ng nakaraang pagsuyo?
Kung mayroon namang naninikluhod na damdaming malayang magmahal.
Di na dapat pinagninilayan kung anong tama.
Ang mahalaga ay nandiyan na.
Bukas-palad na idinudulog ang kalingang matagal nang inaasam.
Wala na dapat pag-aagam-agam kung kaninong kamay ang aabutin.
Di na kailangang mamili,
Kung wala namang pagpipilian.
Di ba mas makatarungan na iparamdam din sa isang tao
ang sakit na siyang unang nagpadama?
Subalit may mga bagay na di na napapalitan pa.
Tulad niya na di na dapat iniisip pa.
Hindi na dapat, di ba?