Mingming (>^.^<)
pugto pa ang aking mga mata..
pero bumangon ako sa aking higaan dahil hindi ko mawaglit sa aking isipan ang nangyari kagabi.
nilalagnat pa yata ako dahil sa sobrang pag-iyak at matinding emosyon na bumabanaag sa loob ko.
"kelangan ko siya makita", aking bulong.
imbis na pumasok sa klase, nagdesisyon ako na lumuwas ng Maynila para lang makausap siya. pero di pa ako nakakaluwas mag-isa. At higit sa lahat, di ko alam kung paano sumakay ng bus at lrt para makarating sa aking pupuntahan. pero sabi ko sa aking sarili, "kaya ko ito!"

nakarating din ako sa wakas sa harap ng pinto ng kanyang tinutuluyan. at doon na nagsimula ang lahat ng mala-nobelang pangyayaring di ko inakalang magaganap pati sa akin.
"bakit nandito ka?"
hindi na siya ang lalaking nakilala ko dati. hindi na ako nakasagot dahil alam ko namang wala akong karapatan na hingin ang sandaling oras na maaari niyang ibigay sa akin. Wala na akong puwang sa mundo niya.
Agad niya akong dinala sa labas ng tinutuluyan niya.
Sinusundan ko lang bawat yapak niya na animo hindi nito alam kung saan paparoon..
hanggang makarating kami sa madalas niyang tambayan, ang Medstone.

Isang tanong lang ang gusto kong maringgan ng sagot.
"Mahal mo pa ba ako?", habang nanginginig ang aking mga labi habang buong lakas kong winika.
"Bakit mo tinatanong pa yan", tanong niya.
hindi na ako nagsalita. Gusto ko lang naman malaman..
para di na ako aasa pa kung wala na talaga..
para kakalimutan na ko na siya kung yun ang gusto niya..

makalipas ng labinlimang minuto, mahina niyang sinabi
"siyempre, mahal pa rin kita. ikaw pa rin.."
nabuhayan ako..
"pero ayokong isipin yun kasi pag inisip ko ulit, baka umikot muli ang mundo ko sa'yo.."
nasabi ko na lang sa aking sarili, "bakit? anong masama dun?"
nagsimula nang mamuo ang aking luha.
"bakit kailangan mong kontrolin? nahihirapan ako sa nakikita ko.. alam ko namang ako ang nakipaghiwalay pero bakit di mo naintindihan ang dahilan."
halos lumuhod ako sa harapan niya para lang maayos ang lahat. kung di ko man maibalik ang dati, maging magkaibigan man lamang kami. pero walang napura ang pagpunta ko..
masyado siyang bingi sa mga paliwanag ko.. patuloy ang pagpatak ng aking mga luha habang nakatingin ang lahat ng dumadaan sa aming harapan..

napakaganda ng liwanag ng araw na yun, subalit para akong lumulubog sa kinatatayuan ko.. sa mismong harap niya.. pinapanood lang niya ako na masaktan..
nakiusap ako na ihatid man lang niya ako sa sakayan..
ni hindi man lang niya ako inihatid sa pagsakay ng lrt. nagkandaligaw-ligaw ako sa pag-uwi..

umiiyak ako habang nakikita ko siyang tumalikod at lumakad palayo sa akin..
habang naglalakad ako paakyat ng lrt at nagbabayad..
habang nakaupo sa gitna ng mga nagsisiksikang mga pasahero..
habang nakasakay sa bus at pinagmamasdan ng katabi kong lalake..
umiiyak ako hindi dahil nasasaktan ako, kundi dahil hinayaan ko siyang masaktan ako..
hanggang maisip ko na pumunta sa simbahan..

iniiyak ko lang lahat.. nakatingin lahat ang matandang nagnonobena sa loob.. dumudungaw ang lahat.. wala silang alam kung gaano kasakit kaya di ko sila inaalintana. pero di pala ganun kadali tumahan kapag sobrang nasaktan..
isa siya sa mga huling taong inaakala kong di magagawang ipagtabuyan ako, pero nagawa niya..
isinumpa ko na di ako babalik sa lugar na yun hanggat di ko kayang dumaan doon na umiiyak..
isinumpa ko lahat ng mga naramdaman ko ng araw na iyon..
isinumpa ko ang Taft Avenue, ang Lrt, ang UP Manila, ang Medstone, ang Maria Orosa, ang lahat ng may kinalaman sa kanya..
pero di ko siya kayang isumpa..
hindi ko alam kung bakit ganun na lang kahalaga siya sa akin dati..

Dati yun.. hindi na ngayon.. hindi na niya ako mapapaluha muli..
kung may isang lugar man akong hindi babalikan, hindi ang Taft Avenue..
kundi ang lugar na isang hakbang lamang ang agwat ko sa kanya..
Mingming (>^.^<)
You are my crest in the sky..
My sanity weakens when you stare at me.
What we have is like a dying star,
Luminating in the midst of darkness
Yet its light keeps us blinded..
The closer to its death, the more beautiful it becomes,
Leaving me so breathless..
helpless..
and lifeless alone.

What sweetness can this heart hold
When my mind magnifies the things that hurt
Nothing between us is "real".
You are..
..my "almost but not really"
..my saving grace for a while
..my eveything but i never had.

Someday, a blazing star will zest the sky,
Outshining the rest across the celestial
Because someone will redeem it for me
Yes, he will..
And you'll wish,
What we had is like an undying star.. my undying crest..


(for the one who celebrates his bday today without me..)
Labels: 0 comments | | edit post